CACTUS

Thursday, February 13, 2014

Climate Change

Thursday, July 19, 2012


Salamat po sa mga nagbabasa

1619 views as of July 19,2012.

Maraming salamat po sa patuloy na pagbabasa ng blog ko. Pag naisang araw na laang po ulit ha at marami laang nililingil pa.

Saturday, March 24, 2012


Sa Uulitin!

979 views!  Aba'y ipinagmama-arak ko na areng daming are ng silip sa blog ko galing sa kung saan saang lupalop..talaga nga palang karibok ang mga Ala Eh pag nakakita ng garineng klase ng blog. Ay minamaano mo nga naman daw, para ka  laang nakikipaghuntahan sa kahanggan nung kani-kanina.

Gusto ko laang pasalamatan ang mga nagbasa nire, na pihado namang puro taga Batangas din laang. Ang top 10 countries na pinanggalingan ng views:

Philippines  506
USA           142
UAE             50
KSA             44
Russia          23
UK               22
Qatar           19
Brunei          17
Canada         15
Germany       13


Marami pa namang ibang bansa na hindi kasama sa lista, yung panglabing-isa pababa gaya ng Italy, Australia,Ukraine, Angola at iba pa, maraming salamat din sa inyo diyan mga kabayan!

Yae ninyo at lilingilin ko ang pag a-update sa inyo ng iba pang kaganapan ukol sa pulong na are tungkol sa climate change.

(Are namang kaungkutan ko dine, ang galaw sa akin ay asbag na daw agad ako, ay sa 979 views ko raw naman, yung 970 ay hindi iba. Kako nama'y di salamat na rin sa 9 na hindi ko kilala.)

Anupa't ang layon ko laang naman ay maisilid sa kukote ng bawat magmimiron dine ang tunay na lagay ng ating planeta, at maipag-gilgilan na ang bawat isa sa atin ay may maii-saknong. 

Sa uulitin, mga kabayan! 

Tuesday, March 20, 2012


Anu-ano Ga Daw ang Sabe ng mga Miron? Ay Are Ga!

Ay inaku naman..anu ga nga palang riri naman ng isang mag post ng comment dine sa blogspot na are..ay kainaman na! Tinesting ko nga naman na mag post ng comment bilang isang miron laang, ay inabot na ako ng sura..

Paumanhin mga kabayan, ay sa hindi ko naman alam ih..kanya pala naman papara iilan lamang ng nakakapag kumento dine ay nuknukan naman pala kataluti ih..kung anu-ano pang hinihinging sarisari..ay sya, garine na laang ang aking ginawa. Yung mga naka pag message sa akin ng comments ay di inipon ko na laang dine..paanong gagaw-in ay napapagay-on na!


"Congrats Osang, highly recommended. You were able to translate a very technical subject to a layman's perspective. More,more,more!"  -May
                                                                                                       
"Ay kaya ngaaaaaaa.... di ga'y gay-on nga. Kanya laang ay pag lahat tayo ay ganyan ang padale ay di lalong walang magyayari! --
Kahusay gang maghalukay nareng si Osang ng mga garine, ay tuo naman nga't tunay na tunay ih na tayo'y dapat nang makisaknong, di ga? Kako nga'y para ke pang batangueno ang turing! -pwede na ga are?"  - Abie

"ay Kongrats ate Osang sa iyong blog...ka husay ih...kaaliw ih. Ate, ay bayn ga may Arabic letters? hindi ko mabasa ang iba...ang galing ng profile, tambs up ih!"  – Rep

"Nice one! Sarap basahin =) "  – gemma

"hehehe cute..pa share :D "  -  lina

"sus tawarin ano gang galing! "   -jossie

"iyang inihasik na takot ni Al Gore ay syang sya na... ;) (pero seriously, kailangan na talagang drastic measures to save planet earth...anlalim...) "  –rep

"nakakatuwa naman, talagang batanguena! saan mo nahukay ang mga napakalalim na mga tagalog na yuon? but it's nice..."  –mai

"Nice job Osang!"  -tessa

"Ala eh, kasarap ga nareng basahin. Gulong sa paghalhal e."  –neri

"Kanina pang balais dine at di malingilang magpisbuk, isa din naming hamit hehe.. pag garni ng garni eh mulay ang kikitain. Mapapagat ng asawang may dalang kampit heheh.. gandang umaga.."  –nestor

"Saknungan na!"  –lito

"Sa atin, baligtad. Pag hiyawang hiyawan, ang ibig sabihin close kayo. Paglakas ng hiyaw at pagmay kasama pang murahan, mas close pa kayo.
Pero, pag medyo malumanay ang pag uusap at ika nga'y di makabasag plato, ang ibig sabihin ay hindi kayo gasinong close.  From Ate Osang's blog"  –rep

 "more!!"  –lemon

‎"Ay sa Batangas naman,di ga kabayan, lalo na nuong kailan, walaaaaaaang kalambing-lambing kahit na sa umpisa, sa gitna at sa dulo ng pagsasalita, mababae, malalaki. Laging hiyawang-hiyawan. Tatawagan ka, pahiyaw : " Hoooooooooy!!" Sasagot ka, pahiyaw din, "Anuga!?" Laging napapagkamal-an ng taga Maynila na nagbabang-ayan dahil parang mga bingi kung magpulong, kainamang makahiyaw ay magkaharap naman. "- bwhahahahahaha!  - vang gol

"Sa atin, baligtad. Pag hiyawang hiyawan, ang ibig sabihin close kayo. Paglakas ng hiyaw at pagmay kasama pang murahan, mas close pa kayo."   - vang-gol

"utas ako eh, sadya namang di maiitago ang punto, mahahalata pihado"  –jojo  

"uu nga, dapat Magtulungan na, magtanim ng marami puno, magdala ng bay ong pag namamalengke, para maiwasan ang plastic, lalo na sa opisina,,"  -pulan

 "ala ay pamihadong wagi na ang apo ni charlene, siya na ang magiging miss "natira" sa Unibers for now (sa time na iyon), paano gay lalabing-isa na ang kontestant.- bongmac

Basa ninyo are, at mas magaling are kesa komiks. pag di ka naman napaumis, ay awa ko sa iyo ah. ala ala ko nuon eh pagluluwas, nakow ay ano gang takot lumiban sa karsada at baka maipit. Are na ulit ang blog na pagkakaribukan"   -sigfred

"saknungi areng blog na are. natututo na, tiyak na mapapaumis kuto ka pa."  - jojo

"Sinsay muna dine sa blog na are, at tunay ka namang ikay utas dine. Babala, sumangguni sa purong Batanguenyo sa mga salitang ginamit." – jojo

"ubod ng tiyaga na ipaliwanag ang tungkol sa global warming ng sa salitang kinamulatan natin, yun eh kung may makakaintindi pa, at lasahin koy ang mga alubata ngayon eh wala ng kamuis muis sa ganyan. alam laang ay humada ng humada" – jojo

"masabi mo puro pasarap sa buhay nagiiba na talaga ang panahon noong kmi noon pagbakasyon nasa gamasan hahah!" –colin

 "Anu naman baga yang padaling yan?" Adriano 

Wednesday, March 14, 2012


Nakaamoy Laang ng Usok ng Tambutso, Sawit na Agad?

Ang mga Ala Eh, iba talaga ang tunog, kahit foreigner, pansin yaan.

Banday ka na sa mga taga Maynila kung magsalita ay laging may lambing sa dulo, ikanga. 

Ay sa Batangas naman,di ga kabayan, lalo na nuong kailan, walaaaaaaang kalambing-lambing kahit na sa umpisa, sa gitna at sa dulo ng pagsasalita, mababae, malalaki. Laging hiyawang-hiyawan. Tatawagan ka, pahiyaw : " Hoooooooooy!!"   Sasagot ka, pahiyaw din, "Anuga!?"  Laging napapagkamal-an ng taga Maynila na nagbabang-ayan dahil parang mga bingi kung magpulong, kainamang makahiyaw ay magkaharap naman. 

Sa atin, baligtad. Pag hiyawang hiyawan, ang ibig sabihin close kayo. Paglakas ng hiyaw at pagmay kasama pang murahan, mas close pa kayo.

Pero, pag medyo malumanay ang pag uusap at ika nga'y di makabasag plato, ang ibig sabihin ay hindi kayo gasinong close. 

Pag ika'y malambing magsalita, at medyo ika'y napa "di ba?" , ay nako, ay yari ka na. Noon, ang tawag sa taga Batangas na pa "di ba?, di ba?" ay nausukan lamang ng usok ng tambutso o ng BTCo (ang nawalang Batangas Tayabas Laguna Bus Co), ang kaisa-isang kumpanya ng bus na nabyahe ng Batangas-Lawton/Cubao. Sawit ang tawag sa ganyan. Nausukan ng tambutso.

Ngay-on, karaniwan na ang mga sawit sa Batangas sa dinami-dami na ng mga taga ibang lugar na piniling dito na tumira. Hindi na pinapansing gasino ang mga sawit ngay-on dito. 

Hindi na alam ng marami ang BTCo dahil marami nang iba't ibang bus na nabyahe hindi lamang Batangas-Maynila kundi sa iba't ibang parte na ng bansa.
Bukod sa bus ay may mga van pa at sangkatuuuuuuuuuutak na jeep at tricycle.
Kanya nga, hindi na nakakapagtaka na maraming sawit ngay-on dine sa atin. 

Ay minamaano mo kung gaano karaming usok ng tambutso ang araw araw na maaamoy ng mga tao dine? Ay maski batang bagong panganak pa laang, sawit na agad kung umuha!

Yaan naman ay galawan laang dine sa Ala Eh country. 

Ngunit,datapwat,subalit ang usok ng tambutso ay hindi maaaring daanin lamang sa galawan. 


Ngay-on, dapat ay alam natin na hindi basta masasawit laang ang makakaamoy ng usok ng tambutso. Bukod sa masamang epekto nito sa tao ay may masamang epekto ang mga usok na ito sa ating mundo. Isa ito sa mga nagiging dahilan ng Climate Change na ating pinagpupulungan sa blog na ito.

Sabi daw dito sa article na ito:
http://emb.gov.ph/news/1news2011/11/newsrelease_ECA-ASBU-Dec9.pdf 

Lilingilin na raw pala  ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang kampanya laban sa smoke-belchers.  Noong Dec 09,2011 nagkasundo na ang DENR,Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Transportation and Communications (DOTC),Metro Manila Development Authority (MMDA), mayors ng Metro Manila,Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP), and the Philippine Medical Association (PMA) ukol sa usaping ito.


Ay mainam naman kung gay-on.


Kabayan, maiba ako, itong bagang aking guro ay mataluti laang, ang gusto daw ay makita ang mga kumento ninyo dito. Marami sa mga nakakabasa ay nagme-message laang sa akin. Maaari gang diyan sa pababang yaan ninyo ilagay ang comments ninyo. Pwede naman ang anonymous na comment ih. 

Sa ngay-on ay may mahigit na 700 na akong views dito sa site ko galing sa iba't ibang bansa.  Maraming salamat sa inyo ha? Nag message na nga sa akin ang Philippine Science Centrum ih, napansin na are. Ay kasaya! (Ibig sabihi'y naintindihan nila areng blog ko?....ay di itong mga ito'y Ala Eh din?)

Marami pa kayong malalaman na ginagawa ng ating pamahalaan para maprotektahan ang ating kapaligiran at maapula ang climate change. 
Usisain na laang ninyo dine:  http://emb.gov.ph/ 


Maraming salamat ulit mga kabayan...sa uulitin ha?

Medyo medyo abala laang ngay-on dine sa atin, hindi gasinong maatupag ang pagba-blog. Pagnaisang araw na uli.

Tuesday, March 6, 2012


Magyakag na Kita ng Iba pang Sasaknong!

Sa mga nauna kong blogs, napaghuntahan na natin kung ano itong Global Warming o Climate Change. Naidakdak ko na rin kung bakit painit na ng painit ang hulab ng daigdig at kung ano ang malamang na mangyari sa mga apo natin sa talampakan kung hindi tayo sasaknong para maisalba ang mundo.

Alalaon nyo naman ay kanya pa ga tayo makapag paiba ng mangyayaring yaan ay sa laki ga ng daigdig ay papara tayo-tayo laang, makakagasino naman ang ating maiisaknong diyan?

Ay kaya ngaaaaaaa.... di ga'y gay-on nga. Kanya laang ay pag lahat tayo ay ganyan ang padale ay di lalong walang magyayari! 

Yun na laang dampa ni Ka Dakuy duon sa ilaya, ay kanya pa ga nga mabuhat mag-isa ng matanda yuon para ilipat duon sa malapit lapit sa isang kapitbahay nuong mapagsolo na siya. Ay maski na siya'y magkalamay ng puro tabi, hindi niya maiitulak iyon mag-isa. Baken nuong magtawag ng sasaknong ay sang-ilan laang? Aba,nuong putaktihin ng sumasaknong, ay lasa ko nama'y kahit pa paikutin abot sa maliyo ang dampa ni Ka Dakuy! 

Gay-on din ang Global Warming. 

Ang kailangan laang ay magtawag tayo ng sasaknong. Lalo na ga sa atin sa Batangas, pag may nilagang kapeng barako at tinapay na kababayan ay katalo na! Anong sasabihin mong hindi natin kaya?
At saka hindi naman ito gaga-dampa laang ni Ka Dakuy na ililipat ng tayo, ay di ga'y lalo na! Walang di sang-ilan din naman ay may gurong-gurong, ay di ga-ulitin natin sa iba ang pulong ukol sa Global Warming. 

Are ga ang maige nating gaw-in:

(sabi daw ito sa http://www.philatelicdatabase.com/united-states/postal-service%E2%80%99s-carbon-footprint-shrinks/ )



Tingni din are at are'y ayos din:


(galing naman ito sa 
http://live-the-solution.com/wp-content/uploads/globalwarmingrecent.jpg)






Ay uu nga naman.



Ito namang site na ito ay may 12 suhestyon para tayo'y makatulong sa problema:
http://tiki.oneworld.net/global_warming/climate9.html  

1. Makimalimali sa usapin ng Global Warming.

 Wag daw tayong miron laang ki  miron! Uunga laang ki uunga...halhal laang ki halhal ay hindi naman sinusugirgir ang sinasabi. Ariin mong ito'y isang malaking tsismis at pihadong mabilis pa sa alas kwatro ang kalat sa buong baranggay. Nakoh, pihong piho yaan! 



2. Uriratin daw natin ang carbon footprints ng bawat isa.


(hiram laang sa http://www.emissionszero.com/userfiles/en-WhatIsACarbonFootprint.jpg )


Ganire naman ang sinasabi ng site na are:http://i118.photobucket.com/albums/o114/morysa/carbonfootprint.gif




3.  Wag daw alapaw laang lagi ki alapaw sa sasakyang de motor.  Pag ga naman malapit laang ay di lakarin na...kung nagmamadali ay di pumatikar! 
Maski na ga ika'y hingasing pagdating, ay anupa, nakatulong ka naman sa planeta!


4. Pag ari naman na bubuksan na laang ang bintana, ay di yae nang walang electric fan o aircon. 

5. Wag na daw mamili ng isteytsayd o yung mga produktong gawa sa malalayong lugar. Dahil daw, ang mga ito ay nagamit ng maraming gasolina sa pagdi-deliver. (Naka!! nalintikan na!..pasintabi naman, ay mariri itong isang ito.., ay pero sabi daw ih!)

6. Wag na daw lumayo sa pagbabakasyon para hindi maka kunsumo ng gasolina. Kung gustong mag outing ay di sa tapat na laang..o basta't sa malapit lapit.

7. Kung talaga daw kailangang gumamit ng sasakyang de-motor, tumakbo lamang ng mabagal at mas mababa sa speed-limit. Gumamit daw ng sasakyang diesel ang karga.  

8. Kung maaari at kaya naman gumamit ng solar energy, ay di mas maige.

9.Sa bahay na laang lagi kumain at di lagi na laang pabayan at kakain sa restawran para kaunti ang gamit ng gasolina. Gulay na laang daw hangga't maari ang kainin. (Ay sya, masusuya ka naman sa bulanglang araw araw!)

10.Reduce. Reuse. Recycle.
Ang walaaaaaang kamatayang 3R's.

11. Patayin ang mga appliances at ilaw pag hindi naman gamit.

12. Wag mo nang in-inin, ibida mo raw agad sa sanlaksa ang tungkol sa Global Warming!!! (Aba'y banday ka na sa ginagawa kong ito! )
















Monday, March 5, 2012


masama ang pakilasa.. =(

Ako'y hindi muna pakakapagpaliwanag ngay-on ha, ako laa'y masama ang pakilasa. 

Pakiwari ko'y ako'y nabati nuong tagarine sa amin na magwiwiteng. Lagi namang hikap maski kainitang kainitan ay sa lakas naman ng bati! Ay talagang igugupu ka pag hindi mo naunahang batiin. Pag ika'y naunahan, ay siya, baldado ka naman sa liyo. Hahabulin mo para laang makapagpalaway.

Lasa ko'y ako'y nabati kanina. Hirol ang ulo ko ih! ...at wating wating ang aking tingin. Sinangyod ko na ang pang-luup ng pamangkin ko sa kanyang anak na nagliligalig, hindi pa rin naaalis.

Bukas na laang uli ako sisinsay, kabayan..

Sunday, March 4, 2012


Taog o Kati?

Iraw nga ga sabihin mo ng mabilis na paulit ulit..Minikaniko ni Monico ang makina ng minica ni Monica(5x)! 

(Wala laang..pag wala nang bumangka sa ungkutan, pwede itong pagpaliiran..wala nang mapag isturyahan ih. Ang maunang ma-utal, may pitik. Ang pinakamapula ang bukong ay di sya ang putot.)

Maipagparoon ko sa ating pulong tungkol sa global warming na ipinangangalandakan ni Al Gore, at ngay-o'y ipinangangalandakan ko na rin, naulit sa akin ng isang kaibigan na mas maige raw itawag ay climate change kaysa global warming dahil wala raw namang global colding. Ay kako nga rin...

Pero, maski naman ano ang ating itawag ay gay-on pa din ang problema natin, ang patuloy na pag-init ng ating planeta dahil sa green house gases na ang tao ang may kagagaw-an. At dahil sa tao naman ang puno't dulo ay di tao rin laang ang makakatulong malutas ang problema ng climate change o global warming,kung anuman ang gusto ninyong itawag diyan.

Duon sa sine ni Al Gore, may ipinakita syang frog experiment. Ang kawikaan nya duon, pag daw ang isang palaka ay inilagay mo sa isang kawa na may nakulong tubig, pamihadong-pamihado, ang palaka ay karakang dadapulas ng lundag palayo sa init. Ay natural, nabanlian nga naman ih..ikaw mang 'yan! 

Pero, pag ang tubig daw sa kawa ay maligamgam laang , ang palaka ay hindi lulundag. Ngay-on, utay-utay mong laksan ang apoy sa ilalim ng kawa. Pag gay-on daw na utay-utay, ang kataw-an ng palaka ay nag a-adjust din ng init kaya hindi nito namamalayan na ang tubig ay painit nang painit. Nakita ko ang video na ito na gaya ng ipinakita ni Al Gore sa An Inconvenient Truth:

http://www.youtube.com/watch?v=APxGubAkOz0&feature=youtu.be 


Sa madaling sabi, ay ganito ang pagtatapusan ng palaka pag utay-utay laang ang apoy sa ilalim ng kawa: 


( hiniram laang ito  sa : http://the-gathering-storm.blogspot.com/2009_04_01_archive.html )

Ala!!!? Ay kita mo ga nga naman,kabayan?  Ay umis-kuto pa ih! Mamaas-maas ay pamayamaya pa'y tig-ok na siya!

Parang gay-on laang daw ang mundo, yung tubig sa kawa. Ang global warming o climate change, yun naman ang apoy. Ay parang sino naman yuong palaka?? 

Ay hula-i!!

Pagkaga nga naman painit ng painit ang daigdig, ay di matutunaw nga naman yung mga yelo sa malalamig na parte ng mundo ,halimbawa'y sa Greenland..(ala! hanapin mo na laang ang Greenland sa mapa)

Ang Greenland ay unti unting natutunawan na ng mga yelo. 
Ito ay isang illustration ng Greenland batay sa pagkatunaw ng yelo:


(hiram laang sa http://www.openmarket.org/2009/08/03/policy-peril-segment-4-sea-level-rise/)

Ala!!!? Kalaunan pala ay mabubura na yaang lugar na yaan at tunaw na lahat!


Ay maano naman kan'yo?


Pag ang yelo ay natunaw, syimpre ay nagiging tubig. Ang ibig sabihin, madadagdagan naman ng tubig ang ating mga karagatan.  Pagdami ng tubig sa dagat, ay di panay ta-og! Alam na alam naman natin kung ano ang nangyayari pag ta-og. 


Tanda ko pa noong 1994, sa Miss Universe competition, ang tanong kay Charlene Gonzales ay kung ilang pulo meron sa Pilipinas. Ang sagot ni Charlene ay tanong din, 'High tide or low tide?'?

Ay kailangan nga nama'y linawin, dahil pag ta-og, ang pulo daw ay 7,107 laang. Pero pag kati, tayo daw ay may 7,108 na pulo sa ating bansa.

Ang nakakahilakbot sa pag ta-og gawa ng global warming na ito, ay hindi gagaisang isla laang sa Pilipinas ang lulubog pag nagkataon. Baka pagsali ng apo sa talampakan ni Charlene sa Miss Universe pagdating ng panahon at tanungin sya kung ilang pulo tayo meron ay hindi na 7,107 at 7,108 ang bilang.

At dahil taga Mataas na Kahoy na yaang sina Charlene at ang mga apo niyan ay Batanguena na, ay baka ang isagot:

"Ta-og ga po o kati? Pag ta-og po ay mer-on kaming 107 na pulo, pag kati naman ay 108."

(..ika naman ng aking umpe : 'santa anang malalapad ang dahon! ay napasaan ang 7,000?')




















Wednesday, February 29, 2012


"Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhh!!!!!!

Mga kabayang nasa abroad, baka kayo'y mamaas-maas at hindi pa ninyo alam ang 'in' ngay-ong araw na ito. Ito nama'y walang kuneksyon sa tema ng blog ko pero,datapwat,subalit ako laa'y talagang hindi maka-agwantang hindi ito babanggitin. 

Kanya laang ay baka naman ako'y masakure ng aking guro na magbabasa nito ay di kayo na laang ang magbasa ng inyo, are na laang ang link, yan nama'y pipindutin na laang ninyo:

http://ph.news.yahoo.com/court-drama--prosecution-s-aguirre-cited-in-contempt-for--disrespect-.html 

O di ga? Sabi nga ng slogan ng tourism ngay-on: "It's more fun in the Philippines!".  Ay uu nga!

Ang masasabi ko na laang sa mga magagaling na yaan, "Ay di kayo na nga!!! ..Kayo na!!"

Pagkakahihigpit din nga kaliligalig ng mga tao. Ayaw bagang umayos lahat at nang matapos na yaang impeachment na yaan. Wala nang mapanuod na iba ih! Para nayaang si Ka Igil ih, nakakagigil!

Basta ang sumatutal, ang words for the day dito sa Pilipinas ngay-ong araw na ito ay:

"Waaah!"  at "gago".

Sa mga hindi alam ang ibig sabihin niyan ay ito ang aking pagkakaintindi diyan:

"Waah!"  - yan ay hindi salita, yan ay isang expression..kumbaga sa atin,kung tayo'y bagong luwas pa laang sa kabayanan at nakita nating ang hagdanan sa SM ay naibong paibaba at paitaas, ano gang masasabi agad natin sa ating sarili: "Ala!!!?"  yan, ay expression natin sa kung anu-anong nakikita natin na nakakamangha,o bago sa ating paningin, at tayo'y nahanga o nabaguhan. 

Ang "Ala!!!?" ay iba pa sa "Ala!" , ang "Ala!" ay isang salita na ang ibig sabihin ay ayaw mo. Malimit itong gamitin pag inuutusan ka at ayaw mong maabala sa ginagawa mo,sasabihin mo "Ala!" .

Iba pa diyan ang "Ala".   Yan naman ay pandagdag na panimula laang natin sa kahit na anong gusto nating sabihin, halimbawa'y bihis kang dadaan sa kalehon, lahaaaaaaaaaaaat ng dadaanan mong kapitbahay ay tatanungin ka kung ika'y pasaan. Ang marani mong sagot "Ala,pabayan laang at bibiling pang-ulam", sa halip na "Pabayan laang at bibiling pang-ulam".

Ang "Waah!" ay parang "Ala!!!?" kanya laang ang "Waah!" ay hindi sinasabi pag  nababaguhan o namamangha ka. Yan ay sinasabi mo sa sarili mo pag ika'y banaaaaaaaaas na banas na sa kaulagaan ng kausap mo. 

Ang sabi ng Senadora Miriam, irecord daw ng senate secretariat sa transcript ng impeachment na sinabi niyang "Waah!"  para sa mga abugado ng prosecution. (Mantakin mong ipasulat pa talaga)

Ayos laang naman kay Senador Sotto,ang tanong daw laang ni Senador Osmena kay Miriam ay kung anong spelling ng "Waah!".

Kung ika'y ga'y kagaya kong nakakapanuod ng trial,  kahit ka Batangueno ay hindi "Ala!!!?" ang maiibulalas mo ih, ika'y mapapa- "Waaaaaaaaaaaaaaah!!!"

Ang isa pang word for the day ay 'gago'.

Sa atin sa Batangas ang pinakamalapit na ibig sabihin niyan ay usbaw. 

Ang sabi ni Senadora sa mga abugado ng prosecution "Ang yayabang nyo, gago naman!"

Yan..., diyan ka na mapapa - "Ala!!!?"

Ang prosecution naman, nakiusap na kung maaari daw ay burahin sa transcript ng trial ang salitang "G-A-G-O" na sinabi ni Miriam. Hindi yata sanay umimik ng gago yung abugado kaya ang ginawa ay di ini-spell na laang nga naman.

(Magaling na laang at hindi nagtanong si Senador Osmena kung malaking titik lahat o maliit na titik lahat)

Anugang lalahuga ng mga ito!! Hindi na mga marunong magpasintabi ay may nakakapanuod namang iba'y nakakahiya na din naman! 
Ay hindi bale kung tayu-tayo laang at kataasa'y huwag iboto sa sunod na eleksyon ang mga nakakasulak ng dugo.

Di ga?

(Bukas ko na laang itutuloy ang kay Al Gore ha?...)
















Tuesday, February 28, 2012


Utay-utay Tayong Nauuom!

Ako'y  bundat na bundat dahil kapapamahaw laang..sa pasal ko kanina'y kahit panis ang mabungkal kong pagkain dine sa amin ay siguradong lalantakan ko pa rin!
Magaling na laang at matino naman ang mga tira-tirang kung anu-ano sa pridyider namin. May kaputol na pritong galunggong na matab-ang, (salagay nama'y naiga na ang palanas sa Batangas at wala nang asin), may nabuklat akong kahon ng KFC na may lamang binalot na bahaw,wala naman ang prayd chicken. Pero naruon pa naman ang gravy. Ay ano pa, di lamang tiyan din. 

Kaya ito, magba-blog muna ulit at ito'y sisilipin ng aking guro ay makikitang wala akong blog ngay-ong araw. Goodluck na nga laang sa kanya kung maintindihan niya,hehe.

Anupa't kahapon ay natalakay ko nga ang athmosphere at ang apat na layers nito pati na ang tinatawag ngang ozone layer na tagasala  ng init ng araw na ayon sa pag aaral ay nanipis na at nabubutas dahil sa epekto ng CFC o chlorofluorocarbons na ginagamit sa ating mga ref at aircon. Dahil nga daw sa CFC kaya nanipis ang ozone layer at hindi masdayong makasala ng init,kaya naman napakainit pag nakainit.

Kakulit baga ng lahi ano?..(ay,syimpre'y review muna!)

Ngay-on, talakayin naman natin ang GHG o ang green house gas na sinasabi ni Al Gore sa kanyang documentary na "An Inconvenient Truth".
Ito ulit yung illustration ha? Tingni at nang mapagtanto mo ang aking ipaliliwanag: 



Ayon sa paliwanag, dapat yung nasala na ng ozone layer na mga sibat ng init galing sa araw, matapos mamudbod ng katamtamang init sa lupa at sa tubig, ay lalabas ulit sa athmosphere. Kumbaga ay tatalbog laang dapat at magiiwan ng kainaman nga laang para mabuhay tayo dito sa mundo..

Natalbog naman nga papalabas ang init, pero ang siste, sa halip na didiretso ulit palabas at palayo sa mundo, ito at nauumpog sa green house gases na naiipon sa athmosphere, (Ayun ga!yung nasa gitna na parang skyway!) at sa halip na lumabas lahat ay natalbog laang ulit pabalik sa lupa at tubig.

Ito pa ang isang illustration ng epekto ng GHG:




At isipin mo nga naman, pag ga laging sobra sa katamtaman ang naiiwanan sa atin na init galing sa araw, di ga'y para laang tayong unti unting pinakukuluan! 

Samakatuwid, kabayan, tayo ay utay-utay na nauuom!


(Ala! wag na ninyong usisain kung saan ko ito nakuha at talaga laang ako'y si kalimot. Dispensa. Basta't yaa'y sa internet ko rin laang nakuha..Para ngang nakakawangki ng aking mamay sa tuhod yaang lalaking yan sa drowing ih!)

O, ay anong masasabi mo diyan?

Ay hari nga'y naggagagalaw laang ang mga scientists na yaan! 

Aba'y kung hindi ay kailanga'y nag aasawa na muna yaang mga sultero at sultera diyan. Lalung lalo na ang kumpare ko sa Cuenca at kumare ko sa Balayong.
Bago man laang kitang lahat mauum! 

Usap na!







Monday, February 27, 2012


Uulan,Iinit, Nagpapatuyo ng Malagkit..

Tanda ko pa nuong kailan, bibihira lamang mangyari na uulan iinit. Nuon, pag naulan, naulan lamang, pag naman mainit ay di mainit laang, walang ulan..pero may pagdaang talagang uulan iinit sa isang araw lamang..ang sabi ng mga T'yo Kaka,'uulan iinit,nagpapatuyo ng malagkit'.  O kaya naman ang sabi nang magnununo, may ikinakasal daw na tigbalang at tigbalaok..ang hindi ko alam ay kung alin ang babae duon sa tigbalang at tigbalaok..hindi ko na rin nausisa.

Pero noon nga iyon.

Ngay-on ay napakalaking iba na. Wala nang tag init wala nang tag ulan, labulabo na. Kung anu na laang ang dumating. Yan ang talagang tinatawag na bahala na ang panahon. Datirati, pag Mayo at may araw ka sa tuklong, guyod kayo sa kapilya, mag aalay ng itlog kay Santa Clara para hindi ulanin ang padasal mo. Isang dosena dapat ang isasabit doon sa kapilya. 
Pag gay-on, ay sya, ayos na ang buto buto. Lagay na ang loob na hindi uulanin. Paano ga naman ay syempre, yun ga namang nakapamili ka na ng busa para sa pasasoy,dalwang klase pa ha? May bilog at may haba na busa,pero busa din. Masaya na ang mga magdadasal na manganganta sa tuklong,pati mag aalay na mga bata,kasisigla pag alam na may pasasoy.
Walang juice noon, hindi pa uso. Iinom ka na ng iyo sa inyo. Bawal maluugan dahil hindi uso ang panulak sa pasasoy. Pasasoy na pasasoy nga laang.

Maaga pa, dinidilig na ang lupa sa tuklong dahil pag hindi ay kainamang kagabok. Lalo na pag natapos na ang dasal at bigayan na nang pasasoy ay sya, karibok na karibok ang mga bata..pati askal karibok!  At ang mga askal ha? kulang na laang ay ipagsali sa mag aalay. Aba'y kamali mali naman lagi sa loob ng tuklong. Kung hindi mo laging tatadyakan o babalibangin para umalis. (Hindi pa bawal manadyak ng askal nuong una..pero ngay-on, subukan mong manadyak ng askal at 'animal cruelty' ang kaso mo, yari ka naman ngay-on sa mga animal rights advocates)

Ibig sabihin ko, noong una, gay-on laang ang basehan natin ng panahon, isandosenang itlog na alay kay Santa Clara.

Ay ngay-on, kahit isang trak na itlog ang ialay mo, hindi mo mapipiho ang panahon.
Init na init,biglang biglang bubuhos ang naaaaaapakalas na ulan na akala mo'y gunaw na! Ultimong PAGASA ay liyong liyo na! Nasibak na nga sa trabaho ang PAGASA head na si Prisco Nilo noong Agosto 2010, sa kasurahan na  ni Pangulong Noynoy.

Sino nga naman ang hindi masusuklam, ay naturingang may PAGASA tayo pero nalusutan tayo ng Ondoy noong 2009 at hindi pa tayo nakakaahon, nalusutan na naman tayo ng Basyang noong 2010. 

Walang maaaring makalimot sa bagsik ng Ondoy. Ang pinakamalapit nang maiitawag ko sa Ondoy ay 'gunaw'.

Kung tutuusin, hindi naman PAGASA ang problema natin. Hindi ang mga equipment, hindi ang mga tao kundi CLIMATE CHANGE (na ang tawag na iba ay global warming.)


Makikita natin sa link na ito  http://www.vtaide.com/png/atmosphere.htm 
ang drowing ng athmosphere sa ibaba:




Kita mo ga diyan may apat na layer ng Athmosphere? Dito sa mga layers na ito nadaan ang sun rays o sinag ng araw na napakainit.

Mula sa lupa, naiyan muna ang Troposphere, yung pinaka malapit sa atin.

Tapos naiyan ang Stratosphere na kung saan ay naroon naman ang tinawag na ozone layer. Tayo nama'y ozone layer laang ki-ozone layer ay wari ko nama'y ang iba'y hindi din alam kung ano yuon,pustahan pa?

Di ga nga't pag may magsisilab ng ginapas na damo sa luuban, (na kahit naman sariwa pa ang damo at kagagapas laang naman ay nginangalingali ang pag iimis,sisilabin agad! kaninaman na!) sasabihin natin sa kahanggan:

"Hoooy, kita mo ga naman kung gaano kakapal ang usok ng silab mo? Ay sya ka, paninipisin mo ang ozone layer!"

..Kow! kala mo nama'y tuong alam kung ano yuon, at may pagpalahaw pa!  Paano kung sabihin ng kahanggan: 

"Ay anu ga yung ozone layer na yuon,nakakain baga yuon?, Hige nga iyong ipaliwanag?"

O, ay ano ka ngay-on pag di mo alam? Hah! Kataasa'y magpapalusot ka na laang pag gay-on,ano nga? Sasabihin mo sa kapitbahay:

"Are naman,kataluti mo ga!..Anu gang ozone layer, wala naman akong sinasabing gay-on, bingi ito! Ang sabi ko, patayin mo yang silab mo at nauusukan ang sinampay ko! Kadami ko pa namang nilabhan!(magagalit si misis!)"  

Ayan. Gay-an pag hindi naiintindihan. Sya, aralin na agad dine!

Ang Ozone Layer ay isang manipis na layer na siyang nasagap ng mga harmful ultraviolet radiation galing sa araw.  Ang sabe daw, panipis na ito ng panipis sa Europe, Asia, North America at Antarctica. Sabi pa daw ay may mga butas na na nakikita sa ozone layer.

Ahhhhhh....ay di kaya gay-on nga kung maka init ngay-on, anaki lagi'y nasa sa loob ng pugon!

Ang patatlong layer ng athmosphere ay Mesosphere ang tawag.

At ang pang apat at pinakamalayo sa mundo, na pinakamainit din dahit pinakamalapit naman sa araw, ay ang Thermosphere.

O, ayan ha? Alam na natin ang Athmosphere, apat na sapi pala yaan.  At sinasabi nga na ayon sa pag aaral ng mga paham, ang Ozone layer ay nanipis na ng nanipis..at ang pinakamatindi ay may mga butas na daw.

Kung ang Ozone layer pala ang taga absorb o tagabawas ng init na nasasagap natin galing sa araw, at ito ay nanipis na at nagkakabutas butas na, ay di talaga ngang iinit kai-kainaman!

Bakit daw nanipis at nagkakabutas ang Ozone layer?



Ang salarin ay ang Chlorofluorocarbons or CFCs na ginagamit sa refrigerants at coolants o sa ating mga ref at aircon. Ang CFC ay mas mabigat sa hangin pero nakaka akyat ito sa Atmosphere sa loob ng dalwa hanggang limang taon!





Pag ito raw CFC na ito ay nasa sa Stratosphere na, binabasag ito ng ultraviolet radiation at nagiging chlorine compounds na tinatawag ding Ozone Depleting Substance (ODS). Itong mga chlorine atoms na ito ang salot sa mga ozone, maski na nag iisa lamang, kaya nitong bumasag ng ozone molecules ng paaaaaulit ulit!

Hala! Ay papaano, ay di painit na nga laang yan ng painit pag di natin pinuksa ang CFC na yan?

Ngunit, datapwat subalit.....hindi laang CFC ang salarin.

Sa susunod, talakayin natin ang tinatawag na Greenhouse Gases na tinutukoy ng nasa babang illustration:





Sa site na ito http://marinebio.org/oceans/conservation/global-warming.asp ko ito hiniram. 

Hoooooooy! Gisiiiiiiing! Tulog na yata ih! Anugayan? 

Sya, yaman din laang na ako yata'y tinulugan na ng aking kapulong, ay ako'y tutulog na rin muna. Ang oras sa Ala Eh City ay ganap na ika 1:06 ng umaga..

Nakapaghiwalay na ang katawan ng mga aswang! 
Ihanda na ang mga bawang at asin!















 g 

Sunday, February 26, 2012


Mahal ko na si Al Gore!!!!!

Ay tingnan mo nga naman ang buhay..parang life laang talaga...akalain mong mahal ko na agad si Al Gore ay napanood ko laang naman ang kanyang documentary film na ang pamagat ay 'An Inconvenient Truth'..(aayaw-ayaw ko pa ngang manood,napilitan laang gawa ng aming guro)..

Paano ka ga naman hindi tatamadin manood ay si Al Gore ang bida, hindi naman artista si Al Gore! kako'y anu namang kamalayan nuong umarteng si Al Gore na yuon..ang alam ko'y yun ang natalo ni Bush sa pagkapangulo sa America. Ay anu naman yuon, natalo laang ay nag artista na?

So, yun na nga,napanood ko at ako'y napatulala na laang mula sa simula hanggang sa matapos ang sine..lasa ko nama'y ako'y nagimbal ni Al Gore...

Sabi daw ni Al Gore ay nanganganib na ang ating planeta. Bakit kan'yo?

Ito nga ang aking tatalakin dito sa blog ko. Yaman din laang naman na ako'y matagal nang nag iisip kung anong iba-blog, (wag laang di nga makapag blog!)
napagmunimuni kong ito na laang mga sinabi ni Al Gore ang aking pag iinitan dine. Basta't aking isusulat lahat ng sinabi ni Al Gore! Bahala kayo kung aayaw kayong maniwala pero ang sa ganang akin ay bakit hindi nga natin uriratin ang nang ating mapagtanto kung ano nga ang talagang lagay ng ating planeta.

Ika nga sa kanta ni pareng Noel Cabangon, 'Naulan sa Tag-init,Na-init sa Tag-ulan'..(panuorin mo na laang sahttp://youtu.be/aTDJkWQ2fkE )

O, ay di ga nga naman??? Ay anu ga nga ang paliwanag mo doon? Pag hindi La Nina ay El Nino ang pinaghahandaan. Anu ga daw? Wala namang ganyan nung unang panahon na bata pa si Sabel, ikanga ng matatanda. Kahit itanong mo pa sa nanay at mamay mo.

Hay,naku..nakakapabuntong hininga.

Maraming sinabi si Al Gore pero and suma-tutal ay ganito:

1. Painiiiiit na nang painiiiiiiiiiit ang ating daigdig, (pero ito'y hindi dahil nalapit ang araw sa atin o dahil tayo'y nalapit sa araw ha?) ang tawag daw sabi ay 'climate change' (di ko na i-ta-translate ha? baka ako'y magkamali pa)
2. Lahat ng bansa,lalu't higit ang Amerika ay may malaking magagawa para maremedyuhan ang problemang ito sa climate change. (Mantakin mo ga nga namang marating nila ang buwan?!, di ga'y sila na nga ang napakahusay!)

3. Lahat ng tao ay dapat makialam sa problemang ito dahil ito'y kakaiba sa lahat nang problemang nakita ng sandaigdigan mula't mula pa.

4. Dahil sa science, maswerte tayo na kaya nating makita ang kinabukasan ng ating daigdig pa para bagang may bolang kristal na kung saan ay kita na natin ang mangyayari sa dadating na panahon. At dahil dito, tayo'y obligado na kumilos para makatulong,kahit na anong klaseng tulong para hindi mapariwara ang ating nag iisang tirahan, ang planetang Earth.

5.Lahat ng tao: bulag,pipi,bingi,matanda,bata, babaysot,lalaksot, pandak,matangkad, mapusyaw o maitim, matalino,mapurol, kahit na sino (kahit kalbo!), ay may magagawang tulong para malutas ang problema ng climate change.

Maraaaaaming sinabi si Al Gore,kaya laa'y ingles nga. (Ay di medyo pahirapan sa pag translate)

Gayunpaman ay gagaw-in ko ang lahat ng aking makakaya..uubusin ko ang aking lakas at iigahin ang aking utak para laang maipaliwanag kung anu ga nga itong climate change na ito.

Ako nga laang ay subrang inaantok na dahil alas dos na din naman ng umaga..mayamaya pa'y gising na ang tandang ng Kaka dine sa likuran ng aming bahay ay ako'y di pa man laang nahipig.

Bukas na laang ang iba ha? Pramis, kalamismis! =)